Abode of Love and Romance


Join the forum, it's quick and easy

Abode of Love and Romance
Abode of Love and Romance
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Navigation
 Portal
 Index
 Memberlist
 Profile
 FAQ
 Search
Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» The return of the comeback!
my facebook notes - Page 2 EmptyFri Nov 18, 2011 1:36 pm by waki

» happy brthday to me... huhuhu!
my facebook notes - Page 2 EmptyFri Sep 09, 2011 5:09 pm by lovelie

» Anniversary Dates
my facebook notes - Page 2 EmptyFri Jul 15, 2011 8:11 am by waki

» AYAN YON?????
my facebook notes - Page 2 EmptyFri Jul 15, 2011 8:03 am by waki

» my facebook notes
my facebook notes - Page 2 EmptyFri Jun 17, 2011 8:41 pm by waki

» Valentines Day manen!
my facebook notes - Page 2 EmptyMon Feb 21, 2011 12:37 pm by andy2

» HAPPY BIRTHDAY Gorjuschick! 23 Jan.
my facebook notes - Page 2 EmptyMon Feb 21, 2011 12:26 pm by andy2

» Cheryl's b-day (Jan 11)
my facebook notes - Page 2 EmptyFri Jan 14, 2011 4:49 pm by hypertek

» It`s THANKSGIVING DAY!
my facebook notes - Page 2 EmptyTue Jan 04, 2011 6:04 pm by lovelie

Poll
Statistics
We have 51 registered users
The newest registered user is arroisad

Our users have posted a total of 2636 messages in 126 subjects

my facebook notes

Page 2 of 2 Previous  1, 2

Go down

20110617

Post 

my facebook notes - Page 2 Empty my facebook notes




praning lang siguro ako, pero mas mabuti nang may ganitong kopya kaysa mawalang parang bula..gaya ng nangyari sa nga notes ng account ko na biglang tinanggal ng fb na di ko alam ang dahilan.
waki
waki

Posts : 960
Join date : 2010-07-06
Location : manila

http://kulibangbangkenkimat.blogspot.com

Back to top Go down

Share this post on: reddit

my facebook notes :: Comments

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:27 pm by waki

at sa pagkamatay ng isang pangarap...(isang pagninilay-nilay)
by Waki Ikaw on Sunday, February 20, 2011 at 8:59am

pangarap - ito ang pinakamimithi nating makamit... o maging. kung ang sarili ko ang pagbabasehan, simula pagkabata ay mayroon na tayong pangarap, at ito ang dahilan kung bakit gusto nating mapagtagumpayan ang kahit na ano pa mang hamon ng buhay.



subali't sa paglipas ng panahon, naisasantabi ang pangarap na ito dahil magiging abala tayo sa sa ibang mga bagay-bagay kagaya ng pagtatrabaho upang may pagkukunan ng ikabubuhay. dahil nauubos ang oras sa paghahanapbuhay, pagal na ang katawan at isipan at kadalasan ay nawawalan na tayo ng lakas upang isipin ang tungkol sa pag-abot sa minimithi.



maraming beses kong sinubukang muli ang paggawad ng unang hakbang tungo sa katuparan nito, subali't sa sandaling nag-uumpisa ako, palaging may pangyayaring hindi naiiwasan, bagay na naglalayo sa akin sa tunay kong patutunguhan.



ano ba ang kulang? masyado ba akong mahina? masyado ba akong madaling kausapin? o mahirap kausapin? masyado ba akong mabagal kumilos kaya nauunahan ng panahon? may dapat ba akong baguhin sa aking sarili o pangarap? iyon ba talaga ang aking destinasyon? baka naman nagkamali lang ako sa pag-iisip at ang buhay na tinatamasa ko na pala ngayon ang siyang tunay na patutunguhan ko?



nguni't sa pagkakasambit ng mga huling kataga sa itaas, ayaw namang pumayag ng puso ko. hindi ito ang buhay na pinangarap ko. hindi ito ang pinangarap kong ako. naniniwala akong may isa pang buhay kung saan maaari akong lumigaya ng lubos...buhay kung saan ay masaya ako sa aking ginagawa, kahit pa siguro sensilyo na lamang ang laman ng bulsa. isang buhay kung saan kasama ko ang taong nagpapahalaga sa akin at sa aking pangarap...



sa pagtatangkang abutin ito ay makasalubong ko sa makipot na daan ang isang nilalang na nagpabago ng aking pananaw. nais ko siyang pasalamatan sa pamamagitan ng pag-uumpisang buuin ang aking pagkatao. kasama siya, tatlo (sampu pala) ng aking puso, kaluluwa, at isipan, magiging mas matatag na ako. pangako ko ito sa aking sarili, at nais kong tuparin ang pangakong ito.



ayaw kong ilibing sa limot ang bagay na bubuo sa aking pagkatao.





©waki

02/20/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:27 pm by waki

malalaman mo nga ba kung tapat ang kaibigan mo sa iyo?... (isa pang pagninilay-nilay)
by Waki Ikaw on Sunday, February 20, 2011 at 4:37pm

.

may mga kaibigang akala mo ay sinisira o sinisiraan ka...naisip mo na bang kaya sila ganoon ay dahil gusto nilang baguhin mo ang mga gawain mong nakikita nila at inaakala nilang hindi tama? minsan kasi, masakit marinig ang katotohanan, subali't dito mo malalaman kung ano ba talaga ang kahulugan ng pagpapahalaga ng isang kaibigan... pakinggan mo ang mga tao sa paligid at suriin ang sarili. hindi kaya ang itinuturing mong kaaway ay siya pala ang tunay na nagmamalasakit sa iyo? ... /wakiquotes/1001#



gagawin ko lang sana itong status kanina, ngunit sumobra sa 420 characters...kaya napilitan akong gawing note kahit tinatamad sana ako. maganda rin kasing paksa ito, kahit sa palagay ng nakararami ay gasgas na.



ang isang kaibigan ay isang bahagi ng ating buhay na tumutulong upang matuto tayo ng mga bagay-bagay na kadalasan any hindi natututuhan sa iskwelahan. maaaring isa siyang kababata, kaklase, nakilala lang sa daan, sa sasakyang pampubliko, sa trabaho, sa dorm, textmate, penpal (meron pa ba?), o sa internet...o sa iba pa mang lugar. maaaring nakasama o nakasalamuha mo na siya ng ilang taon, o kakikilala mo pa lang siya ng ilang oras, subali't sa ayaw at sa gusto mo, naging bahagi na siya ng iyong buhay, na maaaring maging dahilan ng pagbabago ng iyong pagkatao.



may mga kaibigang likas na "sweet" sa iyo... at mayroon namang "brutal"o prangka, subali't dahil pinahahalagahan mo ang inyong pagiging magkaibigan, hindi mo dapat ikabahala kung sinasaksak ka ng kaibigan mo sa harapan.... bagkus magalit ka kung sa likod ka niya sinaksak.



maraming mga magkakaibigan ang nagaaway-away dahil sa maling akala. hindi dahil narinig mo o ipinarating sa iyo ng iba na may sinasabi ang kaibigan mo laban sa iyo ay agad-agad ka nang maniniwala. ang pinakamainam na paraan ay komunikasyon. kung itinuturing mo siyang isang kaibigan, kahit pa medyo masama na ang loob mo dahil may mga naririnig o nababalitaan ka, mas maigi pa ring kausapin mo siya ng masinsinan. magsigawan kayo, magbatuhan kayo ng masasakit na salita kung kinakailangan, subali't kung mahalaga sa iyo ang taong ito at ang inyong pagkakaibigan, mananaig ang pagmamahal at pagmamalasakit ninyo sa isat-isa.



may napanood ako kahapon sa gma7 "tunay na buhay" ang pamagat ng programa at hosted ito ni rhea santos. nag-away ang magkaibigan dahil lamang sa kantiyawan tungkol sa paboritong koponan ng basketbol, na nauwi sa sakitan at saksakan. nakulong ang sumaksak subali't pinalaya dahil hindi nagdemanda ang sinaksak nya. at ang nasaksak, hindi man namatay ay nagkaroon itong matinding karamdaman sa mata dahil may sensitibong bahagi ang kaniyang mukha na natamaan ng saksak. nagsisi ang sumaksak dahil sa kaniyang katarantaduhan, at dahil napagtanto niyang mahalaga pala ang kaniyang kaibigan ay ibinigay niya dito ang kaniyang pedicab na siyang ipinanghahanapbuhay. ngayon ay mas matibay na ang kanilang samahan.



kung minsan, may nagagawa ang paglalabas ng sama ng loob doon mismo sa taong kinasasamaan mo ng loob, kaysa ipagsabi ito sa iba, na ang iba kadalasan ay makikisawsaw na rin para lamang aluin ka,imbes na pagpayuhan kang gumawa ng mas tama. susulsulan ka pa ng mga iyan, dahil natural na yata sa mga walang magawang maganda sa buhay ang maghanap ng aksiyon. sa totoo lang, pareho lang nila kayong pinagtatawanan,maniwala ka sa akin. hakhakhak!



nakalulungkot isipin na karamihan sa atin ay ganyan...



ganyan ka ba, kaibigan?



suriin mong mabuti ang sarili mo... kung nais mong mapanatili ang pagkakaibigan, kailangan bang magturuan pa kung sino ang may kasalanan at kung sino ang inosente? kailangan pa bang makita mo ang kaibigan mong sisng-alipin n dahil nawala ka sa buhay niya at naging malungkot siya?



ikaw ang nakakakilala sa sarili mo, at kahit papaano ay alam mo rin ang ugali ng kaibigan mo... matitiis mo bang may samaan kayo ng loob...lalo na kung madalas mo siyang nakikita? kailangan bang malaman mo kung tapat siya sa iyo o hindi? siya lang naman talaga ang nakakaalam, hindi ba? at ang kailangan mo lang pagdesisyunan ay kung kaya mong magtiwala sa kaniya at kung kaya mo siyang mahalin.



huling katanungan... mahalaga ba sa iyo ang iyong kaibigan?





©waki

02/20/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:28 pm by waki

sagutan mo ito:
by Waki Ikaw on Saturday, February 26, 2011 at 7:19am

Ano ang tamang sagot?

Sino'ng mahalaga?

Taong mahal mo o taong gusto mong mahalin?

Taong kasama mo buong araw o taong iniisip mo bago matapos ang araw?

Taong gusto mong makasama habang buhay o taong hindi mo malaman kung pano ang habang buhay kapag nawala siya?

...Taong nagpaluha sa’yo o taong nagpunas sa mga luha mo?

Sinong dapat piliin?

Taong muling nagbukas ng puso mo o taong matagal ng nandiyan sa puso mo?



(hiniram ko lang sa isang wall hehe)

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:29 pm by waki

bugso ng hinanakit at panaghoy
by Waki Ikaw on Tuesday, March 1, 2011 at 6:59pm

madilim sa labas ng bahay, wala ang buwan at mga bituin. maliban sa huni ng mga kulisap at panggabing mga hayop na nakasanayan na niya at itinuring nang bahagi ng kaniyang buhay.



hindi makatulog si empoy. umuukilkil pa rin sa kaniyang diwa ang lahat ng mga alaalang nagdala sa kaniya sa sitwasyong iyon. hindi na siya nakapasok sa trabaho. para siyang isinumpa. hindi niya maubos-maisip kung ano pa ang dapat niyang gawin upang mapagbayaran ang mga nagawa niyang kasalanan sa mundo. ilang kompanya na ang pinagpasahan niya ng kaniyang bio-data nguni't wala pa ni isang tumawag sa kaniya. dalawang linggo na ang nakararaan nang dumalaw siya sa isang kaibigang nakilala lamang sa internet. nagbigay din siya ng bio-data at mga sertipiko niya, baka sakali lang namang may bakante dito. hindi naman siya binigyan ng pag-asa ngunit sinabihan siyang tatawagan siya sakaling magkaroon. ang totoo niyon, ginawa lang niyang dahlan ang paga-apply subali't balak sana niyang humiram ng pera dito dahil pang-dalawang araw na lamang ang kaniyang allowance, at pagkatapos noon ay hindi na niya alam kung kanino pa lalapit. nguni't naunahan siya ng hiya.



ang tagal-tagal na niyang walang pinagkakakitaang matatag. magdadalawang taon na. kung minsan, may naeekstrahan siyang pampasadang dyip subalit nagkaroon sila ng alitan ng kaniyang kaibigang drayber dahil sa babae, at siniraan na siya sa lahat ng mga operators kaya hindi na siya kinuha kahit ekstra lang. minsan naman ay sinubukan niyang nagtinda ng taho, nguni't nang may nagkasakit na batang nagkataong bumili sa kaniya ay naging bali-balita sa kanilang lugar ang hindi malinis na pagkakagawa ng kaniyang taho kaya napilitan siyang ihinto ang pagbebenta.



pitong taon na ang nakararaan, galing siya sa mahigit isang taong pagtatrabaho bilang isang construction worker sa isang bansa sa hilagang asya. hindi pa sana siya uuwi dahil kailangan niyang makumpleto ang dalawang taon bago siya puwedeng magbakasyon ng dalawang linggo. nakiusap siya na mapaaga ang kaniyang bakasyon at naawa naman ang employer niya nang malaman ang totoong dahilan. nabalitaan kasi niyang may karelasyon ang kaniyang ka-live in na si sharmaine. noong una ay ayaw niyang maniwala subali't nanaig ang panibugho sa puso niya. heto siya't nagpapakahirap sa ibang bansa samantalang iba pala ang nagpapasasa sa pinaghihirapan niya at sa babaeng balak niyang pakasalan. may dalawa na silang anak ni sharmaine nguni't hindi pa sila makapagpakasal dahil gusto ni sharmaine na sa simbahan sila magpakasal. kaya eto, nagsakripisyo siya upang maibigay ang kahilingan nito. walang palya ang buwanang padala ng sustento sa kaniyang mag-iina at walang gabing hindi siya nangulila sa nakasanayang pag-aaruga at pagmamahal ng itinuring na niyang asawa. lagi silang nagtatawagan sa cellphone.



walang pasabi, bigla siyang umuwi. nagmanman siya ng ilang araw dahil gusto niyang makasiguro. nang makita niya si sharmaine ay hindi na kailangang maniguro pa. malaki ang tiyan nito at mukhang kabuwanan na. ano pa nga ba ang kailangan niyang gawin? wasak ang pangarap, durog ang pusong puno ng galit,nang makita ang lalaking kasama ni sharmaine ay lumabas siya sa pinagkukublihan at dali-dali niyang nilapitan ang dalawa. sa kabiglaanan ng mga ito ay hindi sila nakakilos. sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at iinundayan ang lalake ng saksak sa leeg. ilang sandali lang ay nalagutan na ito ng hininga. inilabas niya ang ibang naipong pera, walang sali-salitang iniabot ito kay sharmaine at saka inutusan itong tumawag ng pulis upang dakpin siya.



sa madaling sabi, nakulong siya, subali't dahil walang nagdemanda, at naging maganda ang kaniyang asal sa loob ay binigyan siya ng parole pagkalipas ng limang taon.



paglaya niya ay agad na pinuntahan si sharmaine sa dati nitong tinitirhan subali't walang makapagsabi kung nasaan na ito at ang kanilang mga anak.



nagtubig na naman ang kaniyang mga mata. ito ang napala niya sa pagsasakripisyo sa ngalan ng pagmamahal. puro pasakit...at ngayo'y gutom ang kalaban niya.



kumuha siya ng bolpen at papel...at nagsulat...tatlong sulat ang ginawa. isa para kay sharmaine at sa mga anak nila, isa para sa kaniyang mga magulang at kamag-anak, at isa para sa kaniyang mga kaibigan.



isa pang buntonghininga.



kinuha niya ang taling binili sa napagbentahan niya ng kaniyang cellphone.



at mamaya lang ...malaya na siya.





©waki

03/01/2011



(disclaimer: hindi sinadya ng may-akda sakali mang may pagkakahawig ang kuwento sa mga tunay na pangyayari, o sa pangalan ng tao o lugar. ito ay isang kathang-isip lamang ng taong hindi napagkakatulog sa kawalan ng kakayahang abutin lahat ang ninanais sa buhay... hehehehe)

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:29 pm by waki

A Poem - In response to honeyRemy's post on my wall.
by Waki Ikaw on Tuesday, March 8, 2011 at 11:27am

roses and rags



simple colorful petals,

soft to the touch;

its pure, mild scent

awakens a quest

for a blissful life,

for love eternal,

for countless romance



but alas, this freshness

must come to pass...

for this simple rose

turns into a rag

as meaningful eyes

admire, and make love with

the starry night...



waki

03/08/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:30 pm by waki

tula - para kay mam salvie
by Waki Ikaw on Wednesday, March 9, 2011 at 12:49pm

gumamela



nais ko sanang humingi

paumanhin sa iyo, binibini

dahil ang batid ng aking budhi

rosas ang bulaklak mong tinatangi



nagtipid pa naman ako

mabigyan ka lang ng regalo

subali't anong sakit pala sa puso

ang malamang hindi mo naman ito gusto



isang pagpapatiwakal na tunay

pag nanalig sa kaalamang hindi matibay

labis na nalulungkot, nais nang maglupasay

nagmistulang basahan mga rosas kong alay



sabagay kung iisipin

pakinabang sa gumamela'y marami din

nandiyan na gamot sa pigsa't sakit sa ngipin

halika't mamitas tayo ng gumamela sa aking bukirin



sa parmbil... hehehe





©waki

03/09/2011



nais kong magpasalamat sa iyo, mam salvie sa pagbibigay ng "clue" kung ano ang gusto mong bulaklak... hehehe

alay ko sa iyo mam salvie, gaya ng ipinangako ko sa isang note, dahil ikaw ang nakahuli sa pinakamalapit na interpretasyon ng aking tula.



https://www.facebook.com/notes/waki-ikaw/a-poem-in-response-to-honeyremys-post-on-my-wall/204940586188848?notif_t=note_comment



at alay ko sa lahat ng mga mapapadpad dito sa aking notbuk na hamak.

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:31 pm by waki

tula para kay ading marichel
by Waki Ikaw on Thursday, March 10, 2011 at 6:48pm

nais ko sanang pawiin

lungkot sa yong mga mata

huwag ka nang magdamdam

ikaw ma'y mahalaga

...

huwag hayaang umagos

butil ng mga luha

ngumiti ka't harapin
hamon ng bagong umaga



nandito lang ako

binabantayan ka

pananalig sa Poon
huwag kang magsasawa



linisin ang puso

pasayahin ang diwa

palitan mo ang larawan
gusto ko 'yung masaya


©waki 03/10/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:31 pm by waki

minsan, may isang bituin
by Waki Ikaw on Thursday, March 10, 2011 at 8:41pm

malamig ang hangin

sa gabing madilim

mga mata'y nakatingin

sa nagiisang bituin



malamlam ang sinag

mahirap maaninag

wari ko'y nagnanais

masilayan ang kawangis



kung kaya't sa paglapit

ng abang ibong naakit

nasunog ang pakpak

bumulusok na pilit





©waki

03/10/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:32 pm by waki

a poem untold...
by Waki Ikaw on Thursday, March 10, 2011 at 8:47pm

the fears of a gentle knight



i don't know where this will lead us,



yet i know how it began.

i intend to let this feeling flow

even after the end of time.



if tomorrow, you'd see my face...

will you still hold my hand?

will you stay and ease my doubts?

will you still want to hug me tight?



will you still be dreaming of me

kissing me, loving me?

will you still say you love me?

will you still believe in me?



take the chance, hope not

the day after tomorrow

my life would be in ruins

yeah babe, some good things just don't last



but babe, let me tell you this

i have never loved anyone like this

only you... and there will only be you

i will always love you...



©waki

12/17/2010

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:33 pm by waki

"biruin mo na ang lasing...'wag lang ang...
by Waki Ikaw on Friday, March 25, 2011 at 12:20pm

BROKENHEARTED!" habang dinudutdut ko ang aking 'old but reliable' mobile phone kagabi... iyan ang wall status ni KA JANANG na tumambad sa akin, pag-refresh ko ng screen... at kahit nag-uunahan na ang talukap ng mga mata ko sa pagsara ay hindi ko napigilang bumunghalit ng tawa.oo, natawa ako... kasi ...uhm... oo nga, nakaka-relate ako. ganyan na ganyan ang naramdaman ko noong huling heartbreak ko ... kelan na nga ba yun? hehe... matagal-tagal na rin...huwag mo nang alamin kung kelan dahil hindi ko sasabihin... hakhak!



kapag lasing ako, kahit biruin, hindi ako magagalit. bakit 'ka mo? tulog ako eh... pakialam ko nga ba, kahit pa hubuan pa ako diyan, o kahit pagsamantalahan ako (hehe) walang kaso sa akin... hindi naman ako ang nagkakasala, di ba? pero paggising ko at nawala ang kalasingan ko, asahan ng gumawa ng kalokohan sa akin, tatamaan ng kidlat... uhm... maliban na lang kung utos ng kumander alitaptap...(nginig)



pero kapag brokenhearted ako... walang makakalapit, kahit pagkain, dahil mas mabilis pa sa dyipleyn ang lipad, patungo sa dakoparoon.



bakit nga ba ganoon? kapag nasa kasagsagan ng ganda ang lablayp, sobrang saya at ganda ng tingin mo sa paligid, pero sa panahon ng paninimdim, lahat ng makasalubong mo gusto mong sakalin?



nakaka-relate ka ba?





©waki

03/25/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:33 pm by waki

sinulat ng walang magawa...tinamad mag-isip ng taytol... ;D
by Waki Ikaw on Sunday, March 27, 2011 at 4:18pm

nakita kitang ngumiti, at doon nagsimulang kumalabog ang lahat ng lamanloob ko (pati na ang mga lamanlabas). tamang-tama ang dating mo, alam mo ba yun? dahil noong mga panahong iyon, kakabangon ko pa lang mula sa matinding pagkakalugmok. parang isang madyik, ang mga huling hibla ng kalungkutan at pagdaramdam ay tinangay ng dumaang malakas na hangin. sana ay hindi niya ito ibigay sa iba, lalo na sa mga pinahahalagahan ko sa buhay, dahil ayaw ko nang malamang may nakakaranas ng ganoon.



subali't alam ko, alam mo, at alam ng lahat, mangyayari at mangyayari ang ganoon sa iba, sa ibang paraan, sa ibang lugar, at sa ibang pagkakataon.hindi ko na nga yata maalala kung papaano ako nakalapit sa iyo, basta ang alam ko, kausap na kita at sinasagot mo naman ang mga pinagsasasabi ko.



kung sabagay, hindi naman na mahalaga kung papaano dahil ang importante ay mahalaga (uhm...ano daw?). sa kakaisip ko kasi kung paano ako didiskarte ay ginawan na pala ng paraan ng tadhana upang tayo ay magkalapit. uhm...hindi pala tadhana. may nakialam lang na mabait na anghel, itinuro niya ang daan tungo sa lugar kung saan nakatago ang mga kayamanan at hiyas na bumabalot sa hiwaga ng iyong pagkatao. at doon pa lang, nakilala na kita. bago ko pa man naramdaman ay yumayabong na pala ang damdaming noong una pa lang ay pilit ko nang pinigilang umalagwa.



ano ba ang mayroon ka't ikaw ang aking nakikita sa bawa't makasalubong ko sa daan. sa sandaling nais kong sumulat, ang tinta ng pluma kong nadidikit sa papel ay pangalan mo ang binubuo sa bawat talata, at sa kalauna'y hindi ko namamalayang naiguguhit ko na rin pala ang iyong maamong mukha.



ang tagaktak ng aking pawis sa sandaling nakikita na kitang dumarating ay hindi kayang punasin ng manipis na panyong binili ko at pinabendisyonan pa sa simbahan ng simala. huuuu! linsyok na...lumalagutok na sa nerbiyos ang mga tuhod ko kapag kausap ka. hindi ko alam kung dahil sa tone-toneladang kapeng barakong nainom ko na sa tanang buhay ko o dahil may kapangyarihan ka lang talagang gawing nerbyoso ang bawat kausap mong may pagtingin sa iyo na gaya ng sa akin.



walang sandaling hindi ko pinangarap na hawak ko ang iyong mga kamay, akap ka sa lahat ng oras, kasama sa bawat sandali.



ang masaklap...mukhang hanggang sa pangarap na lamang ang lahat.



dahil kilala kita. alam kong hindi ako ang iyong pangarap. at huwag kang mag-alala dahil ang mga pinakakawalan kong buntonghininga at himutok ay bahagi lamang ng aking pagnanais na ika'y maiuwi upang ariing akin. dahil alam kong kapag natupad ang mga ito, wala na akong nanaisin pang iba sa buhay.



sundan mo ang iyong pangarap, tuparin mo ang mga ito, habang nangangarap din ako para sa iyo. susubaybayan ko ang bawat yugto ng buhay mo, at titiyakin kong magiging maligaya ka ng lubusan sa iyong piniling mundo. ang kaligayahan mo ay magiging kaligayahan ko. at nais kong malaman mo, nandirito lamang ako, habambuhay na magmamahal sa iyo.



emo! huuuuu!!! makakain na nga, makaligo at magsimba...hehe ;D





©waki

03/27/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:34 pm by waki

bubog sa liwanag ng buwan
by Waki Ikaw on Friday, April 1, 2011 at 11:23am

ikaw ay nagising isang gabing maliwanag ang buwan. may kung anong kislap na naaninag ng iyong paningin sa hugis-bola at kulay-keso na bagay na nakasabit sa gitna ng kalawakan. sumilay ang ngiti sa iyong mga labi at ika'y tumayo. ninais mong sumayaw sa mala-musikang tinig ng katahimikan, at isigaw sa buong mundo... "may nagmamahal sa akin at nagkataong siya rin ang mahal ko!"



ngunit sa iyong pagbangon ay nasagi ng kamay mo ang isang basong tubig na nakapatong sa lamesang katabi ng iyong kama. nabasag ang baso at natapon ang lamang tubig sa iyong sahig. halos kasabay nito ang pagkaramdam mo ng hapdi. nahagip ng isang bubog ang iyong binti at naramdaman mong umagos mula doon ang mainit na bagay, na alam mong sumisimbolo ng buhay ... at hangganan nito.



umupo ka sa gilid ng iyong kama ng ilang minuto. mahapdi ang sugat, ngunit animo'y nakakaramdam ka ng bahagyag ginhawa sa bawat daloy ng mainit na likido mula dito. hindi ka kumikilos upang punasin ang mantsa nito sa sahig. tumunog ang orasan at nakita mong nakaturo ang maliit na kamay nito sa "1". madaling-araw na. kinapa mo ang iyong selpon at nag-logon ka sa facebook.



at sa iyong wall status box ay itinipa mo ang mga salitang ito: "nagising akong masaya dahil maliwanag ang kalangitan, ngunit maaari din palang dumating ito na ang kasabay ay hapdi na hatid ng biglaang pagkakasugat"



minabuti mo na lang na bumalik sa higaan...titigil din ang pagdaloy ng dugo, dahil batid mong hindi mo ito ikamamatay.



at pagbangon mo kinabukasan, siguradong uunahin mo ang pag-logon sa facebook, at malalaman mong marami ang naghihintay sa iyo na katanungan mula sa mga kaibigan.



©waki

04/01/2011





hehehe...binuryong lang...;D



(ang taong naaalala ko habang sinusulat ko ito ay si ading ko diana, hindi ko kasi masyadong nakikita ngayon...)

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:34 pm by waki

Ako ang tula, ikaw ang musika at awit...
by Waki Ikaw on Thursday, April 21, 2011 at 4:26pm
Ayaw kong maniwala, hindi ito maaari! Namamalikmata lamang ako...

Naisip ko iyan kanina nang mapansin kong may mga magkakasunod na mensahe patungkol sa mga nagawa mong kabutihan at ang iyong mga likha. Dagli akong dumalaw sa iyong dinding, at tumambad sa aking paningin ang masakit na katotohanan...kaibigan, nilisan mo na pala ang mundo.

Umusal ako ng panalangin, ibinalita sa isang kaibigang malapit sa iyo, at sumulat sa dinding mo.

Naisip kong kahit maikling panahon lamang ang naibigay sa akin upang makilala ka, makadaupang-salita, makabiruan, at makasama sa mga talakayin dito sa fb, naging mahalagang bahagi ka ng aking kasaysayan.

Isa ka sa pinagpipitaganang manlilikha ng awit at himig, at sa mga sandaling ito ay parang dinig ko pa ang mga huli mong naibahagi sa amin. Masaya ako na naging isa sa mga nagkaroon ng pagkakataong mapanood ang bidyo ng iyong mga komposisyon. Hindi mo ipinagdamot ang iyong talento sa mundo. Maipagmamalaki ka ng iyong mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at kaming mga kababayan mo.

Ikaw ay inspirasyon para sa amin sa loob ng mahabang panahon. Iniwan mo sa amin ang iyong puso at pagmamahal, na dala-dala ng bawat tunog ng iyong pangmusikang instrumento.

Maipagmamalaki ko sa kahit kanino na isa ako sa mga mapalad na naging kaibigan mo.

Maraming salamat, mang TITO LAYA NISPEROS, JR. Hindi ko man makita ang pangalan mo sa magkokomento dito ay batid kong mararamdaman ng aking puso ang pagsang-ayon mo sa mga nabanggit ko.

Paalam, kaibigan. Hanggang sa muli.

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:35 pm by waki

mga tinik sa kabila ng halakhak...
by Waki Ikaw on Saturday, April 23, 2011 at 5:15pm

nabigla ako sa sigaw mong lubhang napakatinis, at naaala ko ang ibong tinatawag na "thorn bird", yun bagang ibon sa alamat na sa buong buhay niya ay hinanap ang pinaka-perpektong tinik at nang matagpuan ito ay inawit niya ang pinakamaganda niyang awit habang unti-unting ibinabaon dito ang kaniyang katawan. sa mga sandaling inakala ng mga nakakarinig ay sukdulan ng kaniyang palabas, at hindi magkamayaw ang mga ito sa pagpalakpak, siya namang pagkalagot ng kaniyang hininga. ibinigay niya sa mundo ang lahat-lahat ng ganda at kabutihan ng kaniyang pagkakalikha.



bakit ka nga ba sumigaw? o guniguni ko lang ba iyon? dahil habang tinitingnan kita ngayon ay nakangiti ka naman at parang walang nangyaring hindi pangkaraniwan. nasa diwa ko nga lang ba na tinatawag mo ang aking pangalan? bakit ganoon na lamang ang nararamdaman ko sa tuwing ikaw ay kausap? parang mayroon kang hindi sinasabi, aking kaibigan. nararamdaman ko sa bawat bigkas mo ng masasayang salita, at sa bawat malulutong na halakhak ang malalim na pinag-uugatan ng hindi ko maipaliwanag na takot o pagkabalisang bumabalot sa iyong buong katawan.



ano ang nasa likod ng mga hungkag mong mga tawa? huwad nga ba ang ipinapakita mong kaligayahan? may maitutulong ba ako? alalahanin mong napakalaking bagay para sa isang kaibigan ang mapagkatiwalaan. kung mamarapatin mo ay handa kong ialay ang aking balikat...o dibdib... upang iyong sandalan at ilabas ang mga saloobin nang gayon ay maibsan ang iyong karamdaman. naghihintay ako, hindi ako mapapagod. nais kong ipadama sa iyo na maaari akong maging sandigan sa kahit anong oras o sa kung ano pa mang dahilan.



ibuhos mo ang iyong mga luha minsan o kahit dalawang iyakan...upang sa pag-agos ng mga tubig sa iyong mga pisngi ay kasabay ng mga ito ang paglisan ng lahat ng hinanakit, pagdurusa, at mga karamdamag umaalipin sa isip mo, puso, at kaluluwa.



emo lang po... hehe... batu-bato sa langit, ang tamaan, ok lang na sa akin ay lumapit. ;D





©waki 04/22/2011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:36 pm by waki

kenka ina a nangdamili ti biag
by Waki Ikaw on Saturday, May 7, 2011 at 1:58am

Dayta ikkismo a binigat no kasta a diak pay la kayat ti aglukag ket umanayen a pangilasinak no ania a talagan ti oras. Kas met la diay pannakaiyablat ti bagi ti dalluyon iti aplaya sakbay a marusep dagiti dapanko iti aludaid ti danum nga agsublin iti baybay. Makigtotak, bumangonak nga agsaksakuntip ken agimukmukat. Sumiripak iti regkang ti diding ket makitak a madama pay laeng ti panangkaraidmo kadagiti nagango a bulong ti mangga a baak. Dida la ngarud ngaminen agbunga ket dika pay la umannamong a putdenmin tapno di pay isuda a mangibus ta pigsam iti inaldaw. Imbag koma no dika tumanabutob nga agkaykaykay.



Kailalaam amin a di mangan-ano. Ultimo plastik ti mineral water a dimo met ngarud usaren ket pagaayatmo nga idulin dita sakumbi, no ania la unayen ti pakasapulam kadagita. Ibagam nga addanto latta pakausaranna. No dadduma, masuronak kenka ta narigatkan a makangeg, awan ti mailemmeng kadagiti kaarruba a pagsarsaritaanta, ah ta kasapulan a pigsaak ti agsao ken ti kayatmo ket maitubong pay iti lapayagmo tapno maawatam. Ipagarup pay ket ngata dagiti lumabas ket agap-apatan. Hehehe.



Ali, ket ania ngarud, diak ibaga nga anusanka lattan ah, ta no ar-arigen ket di pay umanay a pagsubadko ti amin a nagapuanak ken ti bukodko a biag iti panangayatmo kaniak sipud pay naitao-ak. Inangko a dungdunguek unay, dikanto pulos isukat uray pay iti kaiimasan a basi wenno arak. Ngem inang, ammom a masapulko metten ti mangbiruk iti katintinnakunaynay ken padasek met ti mangbuangay iti bukodko a linglingay. Inang ko unay, dikanto kadi koma aglidliday. No siakto ti adda gasatna a makapudno kenni ading a nakigaw, sikanto ti agluto ti kaldereta, papaitan, ken uray payen agpatayab ti kannaway.



Ngem itatta nga aldaw, inangko sika ti ipangpangrunak, kas panagyamanko iti panangpadakkelmo kaniak iti nasayaat. Diakto pulos mauma a mangipaduyakyak iti panagayatko kenka, inangko a a medio pal-engen ken managliplipat.



©2011 Waki



xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx



TRANSLATION (Subok lang hehehe... request ni mis norielyn ;D)



sa iyo ina, na humubog ng buhay



ang mala-sirena mong sigaw habang ako'y sarap na sarap pa lang na nakahilata... at ninanamnam-namnam ang lualhating hatid ng panaginip kong kapiling ang sinisinta (huuu, istorbo talaga! hehe)... siento por siento, nanay, ikaw ang aking tamang orasan. Para bagang isang malaking alon na humampas sa dalampasigan at akmang hahabulin ako upang basain ang kinakalyo ko nang talampakan... magugulat ako't biglang babangon, pipisik, kukusutin ang mga mata upang tanggalin ang ebidensiya ng aking pagiging mantika. sisilipin kita sa maliit na butas sa ating dinding (may kuwento tungkol sa butas na iyan, bubuhayin ko pagdating ng tamang oras hehe) at makikita kitang bubulong-bulong pang nagwawalis ng mga tuyong dahon ng pinakamatanda nang mangga sa nayon. Ewan ko ba sa iyo, panay reklamo mo pero ayaw mo namang ipaputol, na ang pagwawalis diyan ang siya pang umuubos ng iyong lakas na dapat sana'y nagpapahinga ka na lang...



lahat na lang gusto mong imbakin sa bodega. ultimo mga plastik na basyo ng mineral water, itinatago mo na parang kayamanan, at pag nagreklamo ako, ang sabi mo lang, magagamit din ang mga iyan. kung minsan, naiinis ako sa iyo kasi may pagkabingengot ka na, kinakailangan pang lakasan ko ang boses ko, at hindi lang yan, gusto mo pa, nakalapit sa tenga mo ang mga bibig ko na nagsasalita upang maintindihan mo ang sinasabi ko. nakakahiya nga sa mga dumadaan at baka isipin nila na lagi tayong nag-aaway...;D



pero oks lang po yun. hindi ko sasabihing pagtitiyagaan na lamangkita, dahil kahit ibigay ko pa ang lahat ng mga tagumpay (meron ngaba?) na nakamit ko, o kahit ang buhay ko... hinding-hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal nainiukol mo sa akin mula pagkasilang. nanay, mahal na mahal kita at hinding-hindi kita ipagpapalit kahit sa pinakamasarap na alak (hehe). pero ano kasi... nanay, panahon na rin yata upang bumuo ng sariling mundo. sana, kapag dumating ang araw na tumango na ang dilag na matagal ko nang sinisilipan...er...tinitingala...hindi ka malulungkot. wag kang mag-aalala nay, ikaw ang magiging chef sa handaan at ikaw ang masusunod sa programa...kung matuloy man...sana... (hehe... gising na waki!)



pero sa araw na ito, ikaw lang at walang iba ang bida sa aking buhay ngayong espesyal na araw na ito, nais kong ipagpasalamat na isinilang ako sa mundong ibabaw, at pinalaki mong hindi laki sa layaw...hinding-hindi ko pagsasawaang ipangalandakan sa buong sansinukob ...mahal na mahal kita, nanay, kahit bingengot ka't malapit ng mag-ulyanin. (hehe)





(copyrighted din ito ha...;D)

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:36 pm by waki

onorabol...
by Waki Ikaw on Tuesday, May 17, 2011 at 4:37pm
sige, banegbegem. ipaturaymo iti agpakpakaasi tapno laeng mailisi kadagita nadawel a gemgem...ipanmot' kalalainganna gapu ta masasao a sika ket maysa a bannuar a maingel, pagwadan ken manakem...anagem, amirisem a naimbag no kabaelam met la dayta akem a pinilim ken no bukodmo kad' met la a nakem...ta maysa la a madi nga askawmo, no dimo a matakderan, baka agbabawikanto laeng...gayyem...
.
waki 05172011

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:37 pm by waki

pasasalamat (mahaba sa istatus kaya sabi ng pesbuk sa note na lang ilagay)
by Waki Ikaw on Friday, May 20, 2011 at 6:56pm

sa mga kaibigan ko dito sa loob at labas ng pesbuk, nagpapasalamat ako sa mga ibinigay ninyong mga panahon, sa walang tigil na kulitan, sa kasayahan at sa kasentihan, at pati na sa kaburyungan. maraming salamat sa mga nakaintindi at kahit sa mga ayaw umintindi, sa mga umalis at bumalik sa listahan ko... at sa marami pang ibang dahilan. kayo ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang labanan ang anumang pagsubok na dumating sa buhay ko.



may iba akong accounts at hindi ito lingid sa ilan... subalit nagpapasalamat ako dahil hindi naging dahilan ang mga iyon upang ako'y inyong husgahan o akusahan ng kung anu-ano. salamat sa inyo. salamat sa lahat.



nais ko lang magsenti... walang kokontra... hangad ko ang masayang weekend ninyong lahat. kitakits na lang tayo ulit...pag lumipas na ang aking matinding kaburyungan...;DGod bless you all!

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:37 pm by waki

STRAWBERRY FARM FOREVER (Isang Kwentong di ko alam kung may kwenta)
by Waki Ikaw on Tuesday, May 31, 2011 at 12:53pm

Meron lang akong diyes minutos na isulat ito kaya saka ko na dudugtungan o ieedit.



Naalala ko lang kasi minsang umakyat ako ng Baguio, pumunta ako sa istroberi parm porda pers taym. Excited ako kasi akala ko makakakita na ako ng istroberi plant, ang nakita ko, puro putik na daraanan at parang mga damo na nasa plots. yun daw ang istroberi. ung iba nga, natatakpan pa ng itim na plastik na may butas-butas.Disapoynted ako kasi di ako nakakita ng istroberi na bunga na nakakabit sa halaman, pero pinikturan ko pa rin. maglalagay ako ng piktur niya dito pag nahanap ko na ang lumang puto er.. photo album.



entonses, umalis ako sa bukid at pumunta ako sa puwesto ng mga tabi-tabing maglalako, inalok ako na tikman ang istroberi wine, rice wine, at kung anu-ano pang wines... ako naman tungga lang ng tungga... paglipat ko sa kabila ganun ulit... siguro nakaanim na puwesto ako... at medyo nahihilo-hilo na ako nang makabalik ako sa bisikleta...



di ko alam kung pano ako nakabalik sa hotel room ;D





© 5/31/2011 - waki

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:38 pm by waki

the creation of evolution (what a wonderful world!)
by Waki Ikaw on Monday, June 6, 2011 at 12:36pm

ingles lang po ang title pero karamihan ng nakasulat ay tagalog...



galing ito sa baul ko, nahalungkat ko noong naghahanap ako ng ewan sa archive ng lumang hard disk. inedit ko para humaba ng konti… para mapagod ka at maduling gaya ko... and hopefully, para makalbo bwahahah! napost ko na ito dati sa isang message board na tagalog, di ko maalala kung saan...basta inedit ko at pinahaba kasi sinisipag ako hehe…



i believe that God does exists, and i believe in the theory of evolution ... (o-ha, manong darwin, wala ka bang mga kamay?) ... kasi dun nanggaling sina adam en eve… kaya nagkaron ng mga tao… na sumulat ng Bible...



malinaw ba? o medyo may kalabuan pa rin ang linaw? ah basta...



first... do you agree with me when I say that God's length of day is different from that of man's? o gusto mong paniwalaan na pareho lang ang haba? na 24 hours lang din ang isang araw ni God, gaya ng sa earth?



kasi, dito ko ibinase ang sulating ito.



eto kwento ko lang... kung gusto mong paniwalaan, mabuti... at least nagkakaintindihan tayo. kung ayaw mong maniwala, ok lang... isulat mo ang pinaniniwalaan mo para humaba ang koments ng note ko hekhekhek! kaso mamaya pa ako makasagot ng husto kasi limitado lang din ang oras ko dito nang-umit lang ako ng konting oras na binayaran sa akin ng kumpanyang pinapasukan ko…bwahahah! (batu-bato sa langit, ang tamaan, tutubuan ng pigsa sa singit) ;D



naniniwala kasi ako na ang sinasabing “unang araw” ng creation... it may have taken God thousands, millions, or even billions and billions of earth years.



ganyan katagal. isang araw lang ni God yun, sa paniwala ko nga lang, ano ba? bakit parang tumataas ang isang kilay mo diyan? wahehe...



sabi yata sa Bible.... “in the beginning...” etc... sori ha di ko kabisado eh…. balikan mo na lang ang Genesis.



sa tagal ng “araw” na iyon, that period gave way to evolution...o kung may iba na ngayong tawag doon maliban sa evolution, hindi na kasi ako updated. masyado na akong nalulong sa pagfe-facebook para makapag-research. minsan nagtu-twitter ako pero nakakapagod naman kasi ambilis ng pasok ng info, naduduling ako.



sige, por da meantime, pabayaan mong mag-feeling chemistry prof muna ako (kunyari).



maraming maaaring mangyari sa unang engkwentro ng mga elemento. are you familiar with the table of elements? hydrogen, oxygen… etc… etc…(naniniguro lang na naaalala mo ang chemistry) eh di ba pag nagsama ang mga elemento eh mayroong nabubuo na mga bagay-bagay…dun siguro galing ang sustagen at generic... (hehe...)



eh syempre ang Bible, hindi naman yun chemistry book… di na nya inexplain kung pano nagkatagpo-tagpo ang mga kung anu-anong bagay na nagkasamasama at nakagawa ng mga kababalaghan o milagro. pero ganun yun… di lang nya inexplain, para mag-isip ka, kasi nga naman nahirapan ding magsulat ang mga tao nung araw, buti kung may computer na noon... sang-ayon ka man sa akin o hindi, sasabihin ko ring nasulat lang ang Bible nung marunong nang sumulat at bumasa ang tao… at sabi nila na-inspire sila ni God… siguro nga, malay ko ba kung ano talaga ang rason nila, sila lang ang nakakaalam, gaya ng isang manunulat na siya lang din ang nakakaalam kung bakit niya sinulat ang mga sinusulat niya...wag mo akong tanungin dahil hindi ako nagsusulat...nagtatayp lang ako hehe...



gaya ng Chemistry books at biology books…at iba’t ibang mga babasahin… na nasulat na rin nung lumawak na ang kaalaman ng tao. na-inspire lang din sila… di ba? either driven by their desire to share what they know or kumulo lang ang mga sikmura kaya nagsulat ng puwedeng ibenta… kaya ganun...piz pow! hakhak!



balik tayo sa topic… huuuu ang hirap naman kasi andaming patalastas.



unang araw… let there be light. nagkaron ng liwanag. kasi dati daw ay pulos kadiliman… bakit kaya nagkaron ng liwanag? kasi sabi ng Creator … dapat merong liwanag. walang kokontra... (talagang walang kumontra noon). ang hindi inexplain ay kung papano nagkaron. ako man ayoko na ring isipin … kasi dinaman yun ang importante, kundi ang pagiging tao ko at ang pagkakita ko ng ganda sa liwanag. oo may maganda sa maliwanag... aninag lahat pramis. and for some time (ang some time maraming-maraming-maraming napakaraming taon ang lumipas), ganyan siguro ang tanawin… sayang nga lang at wala pa tayo nun. pag nagkataon, di na nating kelangang pagdebatehan ang mga ito. wala sanang gulo.



pangalawang araw……. sandali……. alam na natin yun eh… story of creation nga eh (sa mga katoliko). di basahin mo na lang uli ang Bible. orayti?



in short, yung anim na araw na sinasabi sa Bible… could be symbols. simbolo ng pagkakahati-hati ng panahon kung san naisip ko (di ko alam kung ako lang ang nakaisip nun o marami na, basta walang nagsabi sa akin noon pramis) na dun mismo ay meron nang evolution. nauna ang liwanag, tapos nagsunuran na na nagsulputan ang iba.



hindi naman nauna ang tao na nagawa di ba?. huli daw.



after na na “create” ang mga plants sunod ang animals… then ta-daaaaaannn! tao na. that means… may posibilidad… na ang tao ay nag-evolve mula sa mga ito… God’s day after God’s day. (sabi ko may posibilidad… kasi nga di ko nakita ang tunay na nangyari, at lalong di ako kumopya sa mga libro kasi tinatamad akong magresearch).



hindi ko naman sinasabi na ang tao ay galing sa unggoy… sobra naman yun. malay mo sa kabayo?… o kaya ay sa paniki? hekhekhek!



pero bakit nga ba meron pang unggoy. di ba pag sinabing nag-evolve eh extinct na rin dapat ang mga pinagmulan? kung galing nga tayo sa unggoy… (pero ako ayokong pumayag pa rin waaaa!) wag na nga lang ituloy itong kaungguyan baka magkatotoo...



pero antayin mo… ma-eextinct din ang mga yan. gaya ng mga dinosaurs na pinagmulan ng mga reptiles… kung san nagkaron naman ng walang kamatayang debate tungkol sa kung alin ang nauna itlog o manok… hekhekhek.



Ho-huuuuuummmm… inantok ako dun ah.



sige, dahil nagugutom na ako, iso-shortcut ko na ang mahabang laman ng aking hindi masyadong nakapaglikot na pag-iisip... eto na lang ang masasabi ko… para pag hindi ka naniniwala sa sinulat ko, maghanap ka naman ng ibang kadebate mo. si God, siya ang greatest scientist, mathematician, psychologist, linguist, at lahat ng larangan ng kaalaman. at mayroon tayong hindi alam na siya lang ang nakakaalam… kung kelan talaga ang end of the world… bwahahah!



kawawang camping... ;D



sige, basa ka lang at koment kung gusto mo…hanggang sa muli. ;D



disclaimer: ang hindi sang-ayon dito, walang pilitan hehehe



©2011-06-06 waki

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:39 pm by waki

himutok ng nababato
by Waki Ikaw on Tuesday, June 7, 2011 at 7:46pm

ang sabi ng iba masarap ang mabuhay, pero bakit ganito? habang nabubuhay ako sa araw-araw at nasasaksihan ko ang mga hindi kanais-nais na tanawin ay lalo namang nagugulo ang isipan ko at halos gustuhin ko nang buhatin ang sarili upang ihulog sa tulay ng quiapo?



humph! pag sinumpong ng matinding kaburyungan talaga, oo... parang ang sarap isigaw na sana magunaw na lang ang mundo!



pilitin ko mang matulog ay ayaw naman akong salawin ng antok, buti sana kung may makausap ako ng 24/7 at mag-uunahan na lang kaming dumulog sa dambana ni san pedro...



buhay talaga, oo... kelan ko kaya matututunang tanggaping hindi lang umiikot ang mundo para sa akin?



wala lang...naisip ko lang.



© 06072011

waki

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:40 pm by waki

kasano a pagtalnaen ti um-umkis a takuri?
by Waki Ikaw on Thursday, June 9, 2011 at 1:44am

agburbureken diay danum idiay takuri, permi ngata ket ti pudotnan. no koma bulkan dayta ket tay kunadan nga agal-alburuto. nakapigpigsa ti panangipugsona iti asuk a marigatan a rumuar iti bassit nga abutna. um-umkis, kasla kayatna nga ibutaktak amin a pudot a marikriknana. gumilgil-ayab diay apoy a tattay pay a mangdildilpat iti sirokna. di met la makariingen daytay nangisaang ta iddepenna koma diay apoy, ti dakesna pay ketdi no mauram diay intero a balay no dina mapuotan a maatianan diay takuri...dakesen, dakesen no kunak. mayat pay la itatta ta agkubkubuar pay la diay danum a nagianna, ngem kasanon no maatianan? imbag koma no adda pannakabalin ti kararua a mapan mangkalbit idiay siserraan ti stove tapno agsardengen nga um-umkis. diaske a takuri...di nga agpakaturog... (hehe, ti la adda)



bigat manen waki, maturogkan! hapowya!





©06092011

waki

Back to top Go down

waki

Post Fri Jun 17, 2011 8:41 pm by waki

ano nga ba ang ibig sabihin ng kahirapan?
by Waki Ikaw on Sunday, June 12, 2011 at 7:01pm

mula noong nagkamalay na ako't medyo nakakaintindi na sa mga bagay-bagay, madalas kong naririnig ang mga salitang "ang hirap ng buhay". dati, naiisip ko, ano ba ang mahirap sa buhay? kung mahirap ang buhay, bakit marami pa rin ang gustong mabuhay kahit malapit nang mamatay? bakit may mga nag-aasawa at nagpaparami ng mga buhay? at bakit kahit walang asawa ay nagluluwal din ng buhay? at bakit ang iba...uhm...tama na nga, baka kung saan mapunta ito hehe...



hay, buhay! ang hirap talagang maintindihan.



may mga katanungan tungkol sa kahirapan na kung iisipin ay madali sanang solusyonan, ngunit dahil na rin sa katigasan ng ulo natin, nagiging kumplikado ang lahat, na siyang nagpapahirap gawin ang mga bagay na nais nating isakatuparan.



sa paggising na lang tuwing umaga, kapag malamig ang panahon, ang sarap bumaluktot at matulog hanggang medyo makaramdam na tayo ng gutom. napakahirap gumising kung sarap na sarap ka pa sa pag-inat o di kaya ay naudlot ang panaginip mo't gusto mong pabalikin.



pero parang tama nga yata, mahirap ang buhay. mahirap mabuhay, kaso ayaw namang mamatay dahil mahal daw ang serbisyo sa libing, ataul, at puproblemahin pa ng maiiwan ang pag-aasikaso sa mga bisita sa lamay. ano ba naman yan, bakit ba doon napunta ang usapan?



isa pang pero, kung hindi ba naman mahirap ang buhay, bakit kumikita ang mga punerarya, at tingnan mo ha, buhay pa ang tao, pinagpaplanuhan na kung saan siay ililibing. tiba-tiba naman ang mga ahente ng memorial plan.



ang haba na ng intro ko, sandali nga at dalhin ko na ang usapan sa tunay na paksa...



ano nga ba ang ibig sabihin ng kahirapan?



- ito ba ay kapag hiniwa mo ng maliliit ang manok na sahog sa tinola at dinamihan ng sabaw upang magkasya sa pitong katao na uupo sa hapag-kainan?

- ito ba ay kapag bilang na bilang mo kung ilang oras ka dapat mag-obertaym para mabayaran ang bill ng iyongkuryente?

- ito ba ay kapag sarap na sarap ka sa libreng bopis at sabaw na ipinatikim ng inyong kapitbahay dahil tamang-tama lang na almusal mo pagdating ng alas tres ng hapon?

- ito ba ay kapag sa public school na nga lang nag-aaral ang mga anak ay umaasa ka pa sa libreng bag, sapatos at notebook na ibibigay (at siyempre may piktur ng mga mukha) ng mga kakandidatong mayor at kongresman sa susunod na eleksiyon?

- ito ba ay kapag pumipila ka sa bahay ni meyor ilang araw bago mag-eleksiyon para humingi ng "sample ballot"?

- ito ba ay kapag maysakit ang anak mo at kailangan pa ninyong pumila sa ospital upang siya ay matingnan?

- ito ba ay kapag masakit na masakit na ang ngipin mo at nagdarasal ka na sana ay magmilagro at gumaling na lang?

- ito ba ay kapag lumalakas na ang ulan ay ninenerbiyos ka na't itinataas na lahat ang mga gamit dahil pihadong papasok na naman ang baha sa pintuan ng bahay mo ng walang paalam?

- ito ba ay kapag bilang na bilang mo kung magkano na lang ang pera sa wallet mo, pati na ang barya sa bulsa?

- ito ba ay kapag nadiskubre mong masarap din palang ulam ang chocolate mallows?

- ito ba ay kapag ipambibili mo na nga lang ng gatas ng anak mo ay ibinili mo pa ng tiket sa lotto baka sakaling dumami at papakyawin mo ang gatas sa supermarket malapit sa inyo?

- ito ba ay kapag madaling-araw pa lang ay pumipila ka na sa labas ng studio ng TV station para lamang makasali sa game nila sa noontime show?

- ito ba ay kapag ang pinampaligo mong tubig ay kailangang sahurin upang siyang pambuhos sa inidoro?

- ito ba ay kapag pilit mong umuupo sa likod ng driver ng jeep at nagpiprisintang mag-abot ng pamasahe at sukli ng mga mahilig umupo malapit sapintuan nito, nang sa gayon ay hindi mahalatang hindi ka pala nagbayad ng pamasahe mo?

- ito ba ay kapag iniipon mo ang mga bote, lata, papel, at inuuwi mo pa ang diyaryo sa opisina upang ibenta sa magkakariton?

- ito ba ay kapag nag-cash advance ka sa credit card mo upang may ipambayad ka pa sa isang credit card?

- ito ba ay kapag maysakit ka na pero pilit ka pa ring pumapasok sa trabaho dahil sayang ang araw mo na hindi babayaran?

- ito ba ay kapag umuutang ka sa mga dati mong pinapautang pero ang sabi nila ay "pasensya na, gipit din ako ngayon"..?

- ito ba ay kapag tinitingnan ka't mukhang pinandidirihan ng mga makasalubong mo sa mall?

- ito ba ay kapag tubig na lang ang kinakain mo sa tanghali at rason mo sa mga katrabaho ay "di ako kumakain sa tanghalian, tubig lang"...?

- ito ba ay kapag hinayang na hinayang ka sa iniwang tip ng umupo sa katabi monglamesa sa restawran?

- ito ba ay kapag tumatawad ka sa binibili mong isang tali ng dahon ng ampalaya?

- ito ba ay kapag may dumating kayong bisita at hiyang-hiya ka dahil walang maipagamit na kumot at unan?

- ito ba ay kapag nalaglag na't lahat ang tinapay sa ibaba ng upuan mo ay pasoimple kapang pinulot ito at kunwa'y itinabi sa pinggan subali't mamaya'y isusubo rin naman?

- ito ba ay kapag umuwi ka't nakatambak na sa labas ng bahay ang mga gamit mo dahil tatlong buwan ka nang hindi nakakabayad sa upa?

- ito ba ay kapag nilalakad mo na lamang ang isang kilometrong layo mula sa bahay ninyo hanggang sakayan ng bus at sinasabi mo na lamang na nag-eeksersays ka?

- ito ba ay kapag hindi ka na makalabas ng bahay papunta sa trabaho dahil wala kang pamasahe?

- ito ba ay kapag hindi ka tinanggap sa trabao dahil wala kang naisulat na telephoine number, mobile number o kaya ay e-mail address sa resume mo?

- ito ba ay kapag obligado kang um-oo sa lahat ng mga sinasabi ng mga taong nag-abot ng tulong sa iyo noong ikaw ay gutom, dahil kapag sumuway ka ay baka ipasuka sa iyo ang kinain mo?

- ito ba ay kapag binabasa mo ito at tumatangu-tango ka sa ibang mga sinabi ko dahil nangyari din sa iyo?



dagdagan mo kaya, sigurado ako,marami kang puwedeng idagdag diyan, dahil ang mga sinabi ko ay base sa obserbasyon ko at ang iba diyan ay base sa tunay na nangyari sa akin...go na, nang makarami...



hehehehe... hapisunday, mga kaibigan. ang hirap talaga ng buhay, ano?





©waki-06122011

Back to top Go down

Post  by Sponsored content

Back to top Go down

Page 2 of 2 Previous  1, 2

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum